January 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Nasakal! Lalaki sa Iloilo, patay sa lingkis ng sawa

Nasakal! Lalaki sa Iloilo, patay sa lingkis ng sawa
Photo courtesy: Noriel Valles via MB

Patay ang isang lalaki sa Iloilo City matapos siyang kagatin at lingkisin ng isang 11.5 talampakang sawa sa Iloilo City nitong Linggo, Enero 11.

Sa ulat ng Manila Bulletin, namatay ang biktimang nagngangalang "Julius" sa isang dike sa Barangay Bolilao, Distrito ng Mandurriao.

Kuwento ng mga residente, nagising umano sila bandang 4:30 ng madaling araw dahil sa isang malakas na pagbagsak at nakita nilang nakapulupot na ang sawa sa biktima.

Pinalo nang pinalo ng mga residente ang sawa upang mapalaya ang biktima ngunit sa kasawiang-palad, idineklara ng mga rumespondeng emergency ang biktima na patay na.

Probinsya

Coast Guard, nag-abisong mag-ingat sa mga impormasyon tungkol sa MBCA Amejara

Ayon kay Police Capt. Val Cambel ng Mandurriao Police Station, inakala ng mga residente na hindi napansin ng biktima ang sawa at maaaring naapakan niya ito, dahilan upang kagatin siya ng ahas at lingkisin hanggang mamatay.

Dahil katabi ng Bolilao Creek ang lugar, sinabi ng mga residente na madalas silang makakita ng mga sawa tuwing high tide.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may isang indibidwal na napatay sa naturang insidente.