January 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Mga nasawi sa pagguho ng Binaliw landfill, nadagdagan pa ng 2! – BFP 7

Mga nasawi sa pagguho ng Binaliw landfill, nadagdagan pa ng 2! – BFP 7
Photo courtesy: Dave Tumulak (FB)

Nadagdagan pa ng dalawa bilang ng mga nasawi sa kamakailan na pagguho ng Binaliw landfill, ayon sa situational report ng Bureau of Fire Protection 7 (BFP 7) nitong Linggo, Enero 11. 

Sa isinagawang search, rescue, and retrieval operations ng BFP 7 sa dumpsite, nasa sumatotal na 6 na ang mga nasawi; 12 na indibidwal ang na-rescue; 12 ang sugatan; at 31 ang nawawala pa.

Ayon naman sa panayam ni Cebu City  Councilor Dave Tumulak sa media, dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan simula 1 PM noong Sabado, Enero 10, mas nahirapan ang rescue teams na isinasagawang operasyon. 

Gayunpaman, nagpapatuloy ang mga ito dahil sa mga naghihintay na kaanak ng mga biktima. 

Probinsya

Higit 5k security personnel, idineploy para matiyak kaligtasan sa ASEAN Summit

Ayon pa sa konsehal, gumagamit na ng acetylene ang rescue teams para maputol ang mga bakal na nakaharang sa site, ngunit maingat pa rin nila itong isinasagawa dahil sa panganib sa kalusugan na dala ng methane at carbon na inilalabas ng mga basura. 

Sa pahayag ni Cebu City Mayor Nestor Archival noong Sabado, Enero 10, tiniyak niyang nagsasagawa na rin sila ng pagsasaayos ng mga kuryente, sanitation facilities, rest areas ng rescuers, internet connectivity, at housekeeping sa lugar ng pagguho.

Kasabay nito ang paghahanda para maisaayos ang isyu sa pangongolekta ng mga basura sa dump site, mga pansamantalang istraktura sa site, at dokumentasyon para sa death certification. 

Matatandaang gumuho ang Binaliw Landfill sa Cebu City noong Huwebes, Enero 8.

MAKI-BALITA: Mga nasawi sa Binaliw, Cebu, landslide, 4 na; ‘search and rescue,’ nagpapatuloy–Cebu City Mayor Archival

Sean Antonio/BALITA