January 24, 2026

Home BALITA Metro

Metropolitan Theater, magbibigay ng libreng guided tour kada buwan

Metropolitan Theater, magbibigay ng libreng guided tour kada buwan
Photo Courtesy: MET (FB)

Magbibigay ang Manila Metropolitan Theater (MET) ng libreng guided tour sa loob nito kada ikatlong linggo ng buwan. 

Sa isang Facebook post ng MET kamakailan, nakalatag ang kabuuang detalye kaugnay sa libreng guided tour

Magsisimula ito mula Enero 18, 9 a.m. Tanging ang unang 100 lang ang maaaring makalahok sa pamamagitan ng pagrerehistro sa link na ito.

Ngunit tatanggap pa rin naman sila ng walk-ins registrant depende sa slot availability. Tinatayang tatagal ang paglilibot sa loob ng MET mula isa hanggang isa’t kalahating oras.

Metro

Kinasuhang sekyu dahil sa paghagis ng tuta sa footbridge, hinatulang guilty!

Hitik sa kasaysayan ang nasabing teatro dahil itinatag ito noon pang 1931. Matapos wasakin ng digmaan, muling inayos at pinaganda.

Matatandaang ang MET na matatagpuan sa Padre Burgos Avenue, Ermita, Maynila ay idinisenyo ng Pilipinong arktekto na si Juan M. Arellano.