January 24, 2026

Home BALITA

May comeback! Pagdinig ng Senate Blue Ribbon sa flood control mess, raratsada ngayong Enero

May comeback! Pagdinig ng Senate Blue Ribbon sa flood control mess, raratsada ngayong Enero
Photo courtesy: via MB

Ipagpapatuloy na ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig nito kaugnay ng flood control projects sa Enero 19, 2026 sa ganap na 1:00 ng hapon, ayon kay committee chairperson Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Sa panayam ng Super Radyo dzBB nitong Linggo, sinabi ni Lacson na tatalakayin ng komite ang iniulat na pagre-retract o pagre-recant umano ng dating mga engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH)–Bulacan na sina Henry Alcantara at Brice Hernandez.

Gayunman, matatandaang sinabi ng Department of Justice (DOJ) nitong Sabado na wala pang opisyal na recantation si Alcantara hinggil sa mga nauna niyang rebelasyon sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee noong Setyembre 2025.

“Nevertheless, isa sa pag-uusapan namin yung consequence/s kung may plano silang mag-retract o mag-recant ng kanilang sinumpaang salaysay sa blue ribbon committee,” pahayag ni Lacson.

Internasyonal

12-anyos na lalaki, patay sa kagat ng pating!

Dagdag pa niya, lilinawin din ng komite sa DOJ kung nagsumite ang dalawang dating DPWH engineers ng counter affidavit laban sa kanilang mga testimonya.

“Ipagbibigay alam namin sa kanila na kapag sila ay nag-recant, magiging liable sila sa perjury. Kahit anong sinumpaang salaysay na under oath, tinaasan ang penalty,” ayon sa senador.

Ayon pa kay Lacson, iimbitahan din ng komite sina dating Education undersecretary Trygve Olaivar, dating DPWH secretary Manuel Bonoan, at iba pang resource persons na nabigong dumalo sa mga nakaraang pagdinig. Aniya, maglalabas ng subpoena kung muling hindi sisipot ang mga ito.

Bukod dito, plano rin ng komite na imbitahan si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste kaugnay ng tinatawag na “Cabral files.”

Dagdag pa ng senador, nakatakda rin siyang makipagpulong sa abogado ni dating DPWH undersecretary Maria Catalina Cabral sa susunod na linggo upang linawin ang mga allocable amounts, partikular ang Special Allotment Release Order (SARO) para sa flood control projects at iba pang infrastructure projects na inilabas noong Disyembre 27, 2024.