Usap-usapan ang tila namumuong ugnayan sa pagitan ni Leon Barretto at Katseye member Sophia Laforteza.
Sa TikTok post ni Gion Santiago kamakailan, mapapanood ang video clip kung saan namataang magkasama ang dalawa habang naglalakad nang naka-holding hands.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"I'm happy for Sophia and Leon finally! stay inlove lovebirds don't mind the in denial fans lol"
"Sige sabihin nyong friends yan"
"di ko maalala anong video yon pero tawag niya kay sophia ay 'my sophie' "
"So cuteeee Leon please take care of dear Sophia! "
"Boto ako kay Leon. Super gentleman"
"can we also appreciate yung kumakanta ang ganda ng boses ni atecuh"
"YES!!! stay happy, sophia and leon! "
"is that really Sophia? parang hindi naman ganyan ang height difference nila"
"First That’s not Sophia "
Bago ito, nagbahagi rin si Leon ng serye ng mga larawan kung saan makikitang kasama niya si Sophia sa pagsisimula ng taon.
Pero sa ngayon, wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag ang dalawa para itanggo o kumpirmahin ang lumulutang na intriga tungkol sa kanila.