January 24, 2026

Home SHOWBIZ

Janine Berdin sinagot bashers ng pagpaparetoke niya: 'Trip at afford ko!'

Janine Berdin sinagot bashers ng pagpaparetoke niya: 'Trip at afford ko!'
Photo courtesy: Janine Berdin/FB


Binuweltahan ng singer na si Janine Berdin ang aniya’y mga bashers niya na nagsasabing tila wala na raw trace ng “Janine” sa kaniyang mukha.

Depensa ni Janine sa kaniyang ibinahaging social media post kamakailan, walong taon na raw mula noong siya ay lumabas sa telebisyon, matapos sumali at manalo sa kompetisyong “Tawag ng Tanghalan” ng noontime show na “It’s Showtime.”

“Pa-rant BAHAHA: Andaming tao sa comments ko na “WALA NG TRACE NG JANINE SA MUKA NYA” behhh I was around 15 years old when you saw me on TV. 16 years old ako nung nanalo ako sa TNT, 8 years ago yun. I’m 23 now bro,” saad ni Janine.

Paglilinaw pa niya, ilong lang daw ang kaniyang ipinaayos, at ginusto niya naman daw ito.

“Ilong lang pinaayos ko pre kasi trip at afford ko bakit ba. Tska pri makeup yan pri turuan ko nalang kayo magmakeup pri para di na kayo mainggit pri,” aniya.

“Magkakamukha na raw kami lahat pero huhuhu sila rin naman magkakamukha - mga weirdo usually mga questionable talaga yung mga itsura ng mga nambabash huhuhu. No secure, happy and BEAUTIFUL person has the time to spread hate. So you guys are really just telling on yourselves…blehhhh,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, ipinahayag naman ng singer ang pagmamahal niya para sa mga taong nakikita siya kung ano at sino pa siya.

“but all love to the people who see me for who I am. I’m really just here for the music Lol. But so what if you want to color your hair orange, decide to switch up your style, or wear a frickin wig bro? Like honestly no one should care. Do shit for yourself cuz this life is yours - the coffin only has space for one,” anang singer.

“Be so obsessed with taking care of yourself and you’ll also grow for the better. Baka kase napabayaan nyo na sarili nyo kaya magkaiba tayo ng evolution pri…………………..Wag agalet. 'You’ve changed.' Isn’t that the point of not being 16 anymore?” pagtatapos niya.

Mababasa rin sa naturang post ni Janine ang suporta ng kaniyang mga tagasubaybay.

“Maganda ka naman talaga kahit noon pa mas gumanda ka lng talaga ngayon kaya ingit sila”

“Since noon pa nag sisimula palang sya idol kona bosis nyan .. kaya ngayon idol koparin yan”

Kuya Kim, birthday wish na maipagpatuloy alaala ni Emman

“normalize celebrities calling out bashers!!!! this is not called “no pr training” this is called defending themselves!!!”

“mga panget na di matanggap na panget pa rin sila. tamang bash ng mga nag glow up at retoke as if kung gaano sila kapanget ganon ka din dapat”

“KAHIT ANO KA PA KAHIT ANO PA IPAAYOS MO JAN SA MUKHA MO , MAHAL KA PARIN NAMIN, TANGGAP KA PARIN NAMIN NG BUO. WAG MO SILA PANSININ!”

“Kaya mahal kita eh.”

Vincent Gutierrez/BALITA