January 24, 2026

Home BALITA Politics

De Lima, aprub sa hirit ni Vice Ganda: 'Babawi ako sa ipinagkait na halos 7 taon sa aking buhay!'

De Lima, aprub sa hirit ni Vice Ganda: 'Babawi ako sa ipinagkait na halos 7 taon sa aking buhay!'
Photo courtesy: Leila De Lima (FB/X)

Nagbigay ng reaksiyon si Mamamayang Liberal party-list Rep. Leila De Lima sa naging hirit na biro ni Unkabogable Star Vice Ganda tungkol sa kaniya, sa segment na "Laro-Laro Pick" ng noontime show na "It's Showtime."

Sa nabanggit na segment, "nilaro" ni Vice Ganda ang mga nagsiawit daw ng mga kantang pahuhulaan nila ang salitang bahagi ng lyrics, sa mga kalahok.

Para daw sa "Anong Nangyari sa Ating Dalawa," ito raw kanta ng ABS-CBN at TV5, gayundin ng mga boss nilang sina Carlo Katigbak at Manny Pangilinan.

Hindi pa nagpapigil si Vice Ganda, at ang binanggit namang awitin ay "It's My Turn" na kinanta raw ni De Lima.

Politics

Torre kinarga ang 'sexy misis,' hinikayat tumakbo sa 2028

"Babawi na si Senator Leila," natatawang sundot pa ni Vice Ganda.

Ibinahagi naman ito ni De Lima sa kaniyang X post.

"Thanks for remembering me, Vice Ganda! Dami kong tawa dito," aniya.

"Yes! It’s my turn to return and keep serving the Filipino people. Babawi ako sa ipinagkait na halos pitong taon sa aking buhay—ng higit pang paglilingkod sa ating mga kababayan," sundot pa ni De Lima.

Photo courtesy: Screenshot from Leila De Lima/X

Matatandaang nakulong si De Lima sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa loob ng pitong taon, dahil sa pagkakaugnay sa droga.

Noong 2023, tuluyang nakalaya si De Lima matapos katigan ng korte at umurong sa testimonya ang ilang mga saksi laban sa kaniya.