January 24, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bea Borres 'inggit' kay Meiko Montefalco, pinagsabihan: 'Ikalma ang kiffy, i-padlock mo yan!'

Bea Borres 'inggit' kay Meiko Montefalco, pinagsabihan: 'Ikalma ang kiffy, i-padlock mo yan!'
Photo courtesy: Bea Borres, Senyora (FB)

Benta sa mga netizen ang naging palitan ng kumbersasyon sa pagitan ng social media personalities na sina Bea Borres at "Senyora" kaugnay sa pa-hard launch ni Meiko Montefalco sa umano'y bagong boyfriend.

Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y bagong yugto sa personal na buhay ng social media personality, matapos ngang i-flex ang isang bagong lalaking tila nagpapasaya sa kaniya.

Dahil dito, marami ang nagsasabing tila “nag-upgrade” na umano ng boyfriend si Meiko, ilang buwan matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ng mister na si Patrick Bernardino.

Matatandaang noong Mayo 2025, umugong sa social media ang sunod-sunod na pasabog ni Meiko kaugnay ng umano’y panloloko sa kaniya ng asawa.

Relasyon at Hiwalayan

Jake Cuenca, naispatang may bago nang bebot?

Viral noon ang hayagang pagkompronta ni Meiko sa kaniyang mister, kung saan inilahad niya ang detalye ng umano’y pagsisinungaling at pakikipag-ugnayan nito sa isang sinasabing kabit habang siya ay nasa Boracay.

Ayon kay Meiko, hindi ito ang unang beses na hinarap niya ang isyu ng cheating sa kanilang relasyon. Ibinahagi rin niya na nagpasya siyang i-record ang komprontasyon upang magsilbing ebidensya, dahil aniya, dati na niyang pinatawad ang asawa nang wala siyang sapat na nalalaman.

“I decided to record this confrontation to serve as my evidence. I was able to forgive before because I didn’t know anything,” pahayag ni Meiko sa isa sa kanyang mga viral na video.

Lalong ikinagulat ng publiko ang diretsahang pagtatanong ni Meiko sa kaniyang asawa tungkol sa umano’y naging pisikal na ugnayan nito sa sinasabing other woman—isang bahagi ng video na mabilis na kumalat at umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen.

Dagdag pa niya, mas masakit umano ang kaniyang nalaman dahil mismong sa kanilang wedding anniversary ay may naganap pa raw na hindi kanais-nais sa pagitan ng kanyang asawa at ng nasabing babae.

Inamin ni Meiko na minsan na siyang nakipagbalikan kay Patrick alang-alang sa kanilang anak at sa pag-asang mabuo pa ang kanilang pamilya. Gayunman, iginiit niya na sa pagkakataong ito ay hindi na niya palalagpasin ang nangyari at desidido na siyang huwag nang balikan ang mister.

Nitong 2026 nga, nagkalat sa iba't ibang social media platforms ang tungkol sa isang lalaking kasa-kasama niya, na urot ng mga netizen ay tila "upgrade" malala.

Isang netizen pa nga ang nagsabing "mula raw sa Nokia 3210, nag-upgrade si Meiko sa "iPhone 17 Pro Max."

Kaugnay na Balita: Upgrade malala! Pa-hard launch ni Meiko Montefalco sa umano'y bagong jowa, usap-usapan

Maging ang sikat na social media personality na si "Senyora," binati rin ito.

"Good morning sa lahat! Lalo na kay Meiko na napunta na rin sa tunay na tao. Congrats!" aniya.

Isa naman sa nagkomento rito si Bea.

"i hope i’m next" ani Bea.

Tugon naman ni Senyora, "Bea Borres ikalma ang kiffy. Magfocus kay Pea."

Photo courtesy: Screenshot from Bea Borres/Senyora (FB)

Si Pea ang pinagbubuntis ngayon ni Bea.

Sa hiwalay na post, ibinahagi pa ni Senyora ang screenshots ng conversation threads nila ni Bea.

Mababasa ritong napa-"oo" na lang ang social media personality, kay Senyora.

"Tsaka ka na gumaya kay Meiko. Ipadlock mo yan Bea Borres," caption ni Senyora sa post.

Samantala, ibinahagi naman ni Bea ang screenshot ng naging pag-uusap nila ni Meiko.

Batay sa mababasa, tila pionapayuhan ni Meiko si Bea na "pogi na ang papatulan" at matuto silang dalawa sa mga naging karanasan nila, at baka pag-untugin daw sila ni "Mommy Oni."

Si Mommy Oni ay ang social media perasonality na si Toni Fowler.

"noted teh pero Pea muna for now," caption ni Bea sa post.