Nagbigay ng reaksiyon ang aktres na si Ria Atayde kaugnay sa kumakalat na bali-balitang nagkaroon umano ng tensyon sa pagitan nina Robi Domingo at John Lloyd Cruz sa kasal nila ni Zanjoe Marudo.
Sa ulat ng ABS-CBN News kamakailan, nausisa umano si Ria hinggil dito at mahihinuhang tila wala siyang ideya sa nangyari batay sa kaniyang naging sagot.
Aniya, “If something happened between them, they kept it away from me.”
“It wasn't something that disrupted the event or anything; it went very smoothly. It was a beautiful night,” dugtong pa niya.
Matatandaang ayon sa tsika ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan, tinaasan umano ni John Lloyd ng boses si Robi.
Ito ay matapos umanong hindi magustuhan ng una ang pagtawag ng huli kay Zanjoe bilang Mr. Atayde.
Samantala, hindi naman direktang sinagot ni Robi ang tungkol sa isyu nang tanungin siya ni Ogie hinggil dito.
“Sabi lang ni Robi ay happy new year. Sabi niya sa akin, ‘Tito Ogie, ano bang sabi ni John Lloydsa isang commercial? Ingat.’ [...] Basta, ayun. Ayaw na niyang mag-comment,” anang showbiz insider.
Matatandaang ginanap ang intimate at private wedding nina Ria at Zanjoe noong Disyembre 23, 2025 sa Concept Space Manila na matatagpuan sa Congressional Avenue, Quezon City.
Maki-Balita: John Lloyd Cruz, kinompronta si Robi Domingo; muntik magkasuntukan?