January 26, 2026

Home BALITA Politics

Banat ni Roque: Malaki ang pagsisisi ko sa pagsuporta sa UniTeam!

Banat ni Roque: Malaki ang pagsisisi ko sa pagsuporta sa UniTeam!

Nagpahayag ng pagsisisi si dating Presidential Spokesperson at abogado na si Harry Roque sa kaniyang naging pagsuporta sa UniTeam, ayon sa isang pahayag na inilabas niya sa pamamagitan ng Facebook video nitong Linggo, Enero 11, 2026.

Ayon kay Roque, kinikilala niya ang kaniyang naging pagkakamali at handa niyang tanggapin ang pananagutan sa naging desisyon niya noong nakaraang halalan. 

“Malaki ang pagsisisi ko sa pagsuporta sa UniTeam pero ayan ang pagkakamaling tinatanggap ko. Ito po ang buong paliwanag,” pahayag ni Roque.

Nanawagan din si Roque sa publiko na magpatuloy na lamang at ituon ang pansin sa mas mahahalagang usapin ng bansa. 

Politics

Torre kinarga ang 'sexy misis,' hinikayat tumakbo sa 2028

“Let’s move on!! At tanggalin na natin ang mga walang kakayahang mamuno!” ani Roque.

Dagdag pa niya, mahalagang maging mulat ang mamamayan sa tunay na ipinaglalaban sa kasalukuyan.

 “At magising na tayo dahil ang atin pong pinaglalaban ngayon yung ating mga pang araw-araw na buhay,” aniya.

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Roque kaugnay sa kanyang mga pahayag, ngunit ang naturang paninindigan ay umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko, lalo na sa gitna ng patuloy na diskurso tungkol sa pamumuno at direksiyon ng bansa.

Matatandaang makailang beses nang pinatutsadahan ni Roque si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., maging ang kaniyang administrasyon bunsod umano ng sinapit niya at kaugnay na rin ng pagiging tagasuporta niya sa pamilya Duterte.

Maki-Balita: 'Hanggang kamatayan!' Roque, iginiit na 'di nagsisisi sa pagiging tapat kay FPRRD

Kasalukuyang umaapela ng asylum si Roque habang nakabinbin ang kaso niya dahil sa umano’y human trafficking na konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

MAKI-BALITA: Harry Roque, maghahain ng asylum sa The Netherlands

MAKI-BALITA: Harry Roque, pinaaaresto ng Angeles court dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng POGO

Pero bago pa man ito, nauna na siyang binabaan ng arrest order matapos ang hindi pagdalo sa House inquiry para sa POGO Lucky South 99, na siya ang lumalabas na umano'y legal counsel.

MAKI-BALITA: Roque, ipina-cite in contempt dahil hindi isinumite ang SALN at iba pang dokumento sa House QuadCom