January 24, 2026

Home SHOWBIZ

Arthur Solinap sa sunod-sunod na concert ng Sexbomb: 'Hinay-hinay lang!'

Arthur Solinap sa sunod-sunod na concert ng Sexbomb: 'Hinay-hinay lang!'
Photo courtesy: Rochelle Pangilinan/FB


Nagbitaw ng pabirong komento ang aktor na si Arthur Solinap para sa kaniyang asawang si Rochelle Pangilinan, kaugnay sa tila sunod-sunod na concert na isinasagawa ng OPM girl group na “Sexbomb Girls.”

Sa ibinahaging social media post ni Arthur noong Sabado, Enero 10, mababasang pinahihinay niya ang asawa hinggil sa mga napipinto nitong concert kasama ang iba pang miyembro ng grupo.

“HINAY HINAY lang Bhe! Mag kakaroon pa ng kapatid si Shiloh,” saad ni Arthur.

Kalakip ng naturang post ang isang AI-generated photo ng matandang bersyon ni Rochelle, na nagpapakita ng isang poster ng “The Sexbomb Girls Concert rAWnd 49.”

Photo courtesy: via Arthur Solinap/FB

Narito naman ang komento ng ilang netizens kaugnay sa ibinahaging social media post ni Arthur.

“Hahahahha…. Pareeeeeee. Baka pwede ako sub kay roc… magaling ako mag spaghetti aababa. Awwwww”

“Haha Arthur Solinap ... Single single, double double na ang steps nina Roc Pangilinan”

“Twice a month for 2 years. Para halos lahat makanood. Pero promise gusto ko din manuod ang hirao lang ng tiket”

“Hanggat nakakapag split pa si Roc. Walang magpapahinga”

“Rocaholic kasi asawa mo mister arthur”

“Paki push naman ang London! May pambili na ng mga tickets ang mga titos and titas na taga UK and Europe!”

“baka sa Rawnd 49 may chance naaaa hahahaha”

Sa latest social media post ni Rochelle, mababasang ikakasa ng Sexbomb ang rAWnd 5 ng naturang concert, na siyang gananapin sa Mall of Asia Arena (MOA), sa darating na Pebrero 8, 2026.

“Dahil ayaw nyo tumigil at ayaw nyo kaming pagpahingahin…rAWnd 5 IS OFFICIALLY ON!!” saad ni Rochelle sa kaniyang post.

KAUGNAY NA BALITA: Sexbomb Girls, muling hahataw sa ‘rAWnd 3’ finale concert sa Feb. 6!-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA