January 24, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

AJ Raval, nilinaw ‘I wish I met you earlier’ trend: ‘Aljur never said that’

AJ Raval, nilinaw ‘I wish I met you earlier’ trend: ‘Aljur never said that’
Photo Courtesy: Screenshots from AJ Raval (FB)

Nilinaw ni dating Vivamax sexy actress AJ Raval ang tungkol sa likod ng  “I wish I met you earlier” trend.  

Sa isang Facebook post kasi ni AJ kamakailan, ibinahagi niya ang sariling version niya ng naturang trend.

“Anong version nyo ng partner nyo? Hahaha,” saad ni AJ sa caption.

Hirit pa niya, “Sorry Aljur hahaha cutie ”

Tsika at Intriga

'Di nila gets ang pressure!' Mikee Quintos, inungkat 'pabigat' issue sa group work noong college

Pero tila isang netizen ang bumasag sa trip ni AJ. Komento niya, “Come to think, kung nakilala mo sya ng mas maaga noon, sa tingin mo magiging kayo pa rin until now?” 

“Kung nabago ang past, do you think the present will still be the same as of today? Ito ung sinasabi nilang ‘everything happens for a reason,’” dugtong pa niya.

Sinagot naman ni AJ ang komentong ito. Paglilinaw niya, “Aljur never actually said that it’s only a TikTok trend. Thank you so much for understanding.”

Ang “I wish I met you earlier” trend ay ginagawa kadalasan ng mag-partner sa internet kung saan tinatampok nila ang kanilang throwback pictures sa parehong taon.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 100K reactions, 1.2K shares, at 8.8M views ang nasabing video.