January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

256 na pagguho ng mga bato at 41 PDCs, naitala sa Bulkang Mayon sa nagdaang 24 hours–Phivolcs

256 na pagguho ng mga bato at 41 PDCs, naitala sa Bulkang Mayon sa nagdaang 24 hours–Phivolcs
Photo courtesy: Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST)

Nakapagtala ng 256 na pagguho ng mga bato at 41 Pyroclastic Density Currents (PDCs) o “uson” ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Mayon mula 12 AM ng Sabado, Enero 10 hanggang 12 AM ngayon, Enero 11. 

Base pa sa 24-hour observation ng Phivolcs, kitang-kita pa rin ang banaag sa taluktok ng bulkan dahil sa patuloy na pagdaloy ng lava. 

Mayroon ding moderate emission ng usok, 200 metro ang taas mula sa taluktok nito, patungong hilagang-silangan. 

Noong Enero 10 naman, nakapagtala ng 777 tonelada ng sulfur dioxide mula sa Mayon. 

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!

Ayon pa sa Phivolcs, nakikitaan din nila ng pamamaga ang lupa sa paligid ng Mayon, dahil sa aktibong paggalaw ng magma sa ilalim nito.

Dahil dito, nakataas pa rin sa “Alert Level 3” ang Mayon.

Ang ilan sa mga posibleng panganib na dala nito ay ang mga sumusunod: 

- Pagguho ng mga bato, lupa, o avalanche

- Ballistic fragments 

- Patuloy na pag-apaw at pagdaloy ng lava

- PDCs

- Moderate-sized explosions

- Pagdaloy ng lahar sa kasagsagan ng mabigat na pag-ulan

Kaya, ipinagbabawal ng Phivolcs sa mga residente ang pagpasok sa 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ), at pagpapalipad ng kahit anong aircraft malapit sa Mayon. 

Matatandaang itinaas ang Alert Level 3 sa Mayon noong Enero 6 matapos makapagtala ng 346 rockfall events at apat na volcanic earthquakes sa bulkan simula noong Enero 1. 

MAKI-BALITA: Mayon Volcano, itinaas sa Alert Level 3 ng Phivolcs

Nagbaba rin ng direktibang preemptive at mandatory evacuation si Tabaco City Mayor Rey Bragais sa ilang barangay sa lungsod noong Enero 6, bilang tugon sa patuloy na pag-aalburoto ng Mayon. 

MAKI-BALITA: Preemptive at mandatory evacuation, ibinaba na sa ilang barangay sa Tabaco, Albay

Sean Antonio/BALITA