Nagpaabot ng pakikiramay at personal na bumisita si Vice President Sara Duterte sa mga naging biktima ng Binaliw Landslide Landslide sa Cebu.
Sa ibinahaging mga larawan ni VP Sara sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Enero 10, makikita ang pagpunta niya sa VisayasMed Hospital sa Cebu City noon daw Biyernes, Enero 9, 2026.
“Personal nating binisita ang mga sugatan sa Binaliw Landfill Landslide sa VisMed Hospital sa Cebu City kahapon,” mababasa sa simula ng kaniyang caption.
Screenshot mula sa post ni VP Sara sa Facebook
Ani VP Sara, marami raw sa kasamahan ng mga binisita niya ang nawawala pa rin dahil natabunan ang mga ito ng basurang dala ng landslide.
“Kwento nila na marami pa sa kanilang mga kasamahan ang nawawala dahil natabunan ng mga basurang dala ng landslide,” aniya.
Dagdag pa niya, “Ibinalita rin sa atin na dalawa sa kanilang kasamahan ang nasawi.”
Pagpapatuloy ni VP Sara, kapuwa mga nagtatrabaho raw sa Binaliw Landfill ang mga pasyenteng pinuntahan niya sa nasabing hospital.
“Lahat sila ay nagtatrabaho sa naturang landfill at magkakaiba ang kuwento nila kung paano sila nakaligtas sa naturang sakuna,” ‘ika niya.
“Nakikiramay ako sa pamilya at kasamahan ng mga nasawi. Nawa'y manatili kayong matatag sa gitna ng sakunang ito,” pagtatapos pa niya.
MAKI-BALITA: VP Sara, bumisita sa benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta ‘Day Program ng OVP sa Albay
Mc Vincent Mirabuna/Balita