January 24, 2026

Home BALITA

Traslacion Spox, giniit 'di 'directly related' sa prusisyon pagkamatay ng photojournalist

Traslacion Spox, giniit 'di 'directly related' sa prusisyon pagkamatay ng photojournalist
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO, MB FILE PHOTO

Nilinaw sa publiko ng pamunuan ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazarene na hindi raw makokonsidera na “casualty” ang pagpanaw ng tabloid photojournalist na si Itoh San sa Quirino Grandstand noong Biyernes, Enero 9, 2026. 

MAKI-BALITA: Photojournalist, nasawi sa Traslacion 2026 coverage

Ayon ito sa isinagawa nilang press conference sa Quiapo, Maynila, nitong Sabado, Enero 10, kung saan sinabi ni Traslacion 2026 Spokesperson Fr. Robert Arellano na hindi raw direktang may kaugnayan sa prusisyon ang pagkamatay ni San. 

“Ito po ay hindi natin kino-consider as casualty [that] directly related to the Traslacion,” pagsisimula niya. 

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Dagdag pa niya, “Sapagkat noong siya ay namaalam, hindi naman siya nasa loob ng prusisyon.” 

Ani Arellano, naganap ang insidente ng pagkamatay ni San sa Quirino Grandstand dahil na rin umano sa medical condition nito.

“Ito ay naganap dahil unang una, siya ay may medical condition na,” paliwanag niya, “Hindi ito naganap because of the force or incident within the occasion of the activity during the Traslacion.”

“Kumbaga, meron na talaga siyang medical condition. Nag-persist po ito at hindi po ito naganap dahil siya ay nagpa-participate ng atig Traslacion,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang ayon sa mga ulat noong Biyernes, atake umano sa puso ang ikinamatay ni Itoh kung saan bumagsak siya mula sa pagkakatayo, nangisay, at bumula rin ang bibig. 

Bagama’t nagawang isugod sa ospital, binawian din siya ng buhay.

Bago pa man ito, ilang araw na umanong may flu si Itoh ngunit patuloy pa ring ginampanan ang trabaho sa kabila ng kondisyon ng kalusugan.

Pumanaw si Itoh sa edad na 55.

MAKI-BALITA: 2 deboto, nasawi sa Traslacion ng Poong Jesus Nazareno 2026!—NCRPO

MAKI-BALITA: Crowd estimate: 7.3 milyong katao, nakilahok sa Pista ng Poong Jesus Nazareno

Mc Vincent Mirabuna/Balita