January 25, 2026

Home BALITA

Traslacion 2026, pinatutsadahan ng ilang netizens ng 'bible verse' tungkol sa ‘idolatry!’

Traslacion 2026, pinatutsadahan ng ilang netizens ng  'bible verse' tungkol sa ‘idolatry!’
Photo courtesy: MB file photo

Bumaha ng mga talata mula sa Bibliya sa social media kaugnay ng Traslacion 2026 ng Poong Jesus Nazareno, kung saan ilang netizens ang nagbahagi ng mga bersikulo na hayagang tumutuligsa sa idolatry at nagbibigay-diin sa paniniwalang iisa lamang ang Diyos.

Sa mga post sa Facebook, X (dating Twitter), at iba pang online platforms, binigyang-diin ng ilang netizens ang mga talata na nagsasaad ng pagbabawal sa pagsamba sa mga imahen. 

Kabilang sa mga madalas ibinabahaging bersikulo ang Exodus 20:3-5 na nagsasaad, “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan, o ng kawangis man ng anomang anyo…”

Ibinahagi rin ng ilan ang Isaiah 42:8 na nagsasaad, “Ako ang Panginoon, iyan ang aking pangalan; at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, ni ang aking kapurihan man sa mga larawang inanyuan.” 

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!

Ayon sa mga netizen, ang mga talatang ito ay paalala umano laban sa anumang anyo ng pagsamba na taliwas sa kanilang interpretasyon ng banal na kasulatan.

Mayroon ding nagbanggit ng Deuteronomy 6:4 na nagsasaad, “Dinggin mo, O Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon,” upang idiin ang paniniwala na iisa lamang ang Diyos at walang dapat sambahin bukod sa Kanya.

Samantala, nananatiling isa sa pinakamalaking relihiyosong pagtitipon sa bansa ang Traslacion, na taunang isinasagawa tuwing Enero 9 bilang paggunita sa paglipat ng Poong Jesus Nazareno mula Intramuros patungong Quiapo Church.

Milyon-milyong deboto ang lumalahok sa prusisyon bilang pagpapahayag ng kanilang pananampalataya at panata. Nitong katatapos pa lamang na Traslacion 2026, umabot sa mahigit siyam na milyong deboto ang nakilahok sa nasabing prusisyon.