Viral ngayon sa social media ang isang larawan ng helmet ng isang motorcycle rider na may nakadikit na handwritten note, na umano’y iniwan ng kaniyang asawa bilang paalala para sa mga babaeng pasahero.
Sa art card na kumalat online, na ibinahagi naman ng social media page na "Diumano," mababasa ang mensahe sa mga magiging pasahero ng mister na rider, na siya raw ay hindi na single at may asawa't anak na.
Photo courtesy: Screenshot from Diumano/FB
Batay sa credits ng page, ang nabanggit na larawan ay nakuha naman daw mula sa TikTok, na ibinahagi ng isang netizen.
Hinihikayat din sa sulat ang mga pasahero na panatilihing propesyonal ang usapan at iwasan ang mga personal na paksa habang nasa biyahe.
Ayon sa note, paalala rin ito para sa kaligtasan ng pasahero, dahil mas mainam umanong manatiling maingat at alerto ang rider sa pagmamaneho. Binanggit pa na ang masyadong madaldal na usapan ay maaaring magdulot ng disgrasya. Nagtapos ang mensahe sa isang magalang na pasasalamat at paghingi ng paumanhin, kasabay ng pasabing ito ay para sa kaligtasan ng lahat.
"Good day paalala for female cs. This rider is not single, may anak & asawa na sya," mababasa sa paalalang nakadikit sa helmet ng rider.
"Kaya pakiusap be professional po. Wag nyo po sana kausapin about personal life, and konting distance po, wag po masyadong madikit sa rider lalo na pag babae. Kasi may chance na mafeel nyo boobs nyo.
"Sa grab bar po kayo humawak for your safety. For incentive lang po kaya sya nag mo-move it. Thank you and pasensya po selosa kasi me ih.Thanks for understanding," mababasa rito.
Iba’t ibang reaksiyon naman ang ibinahagi ng netizens. May mga nagsabing praktikal at makatuwiran ang paalala, lalo na sa konteksto ng road safety at pagrespeto sa pamilya ng rider.
Ang iba naman ay nakakita rito ng halong katatawanan at pagiging overprotective, habang may ilan ding nagsabing mas mahalaga ang malinaw na hangganan at propesyonalismo sa pagitan ng rider at pasahero.
"i understand her stand. nag iingat din sya sa sakit dahil mahal nya ang pamilya nya kaya inuunahan nya na ang possibleng maganap."
"No bashing please. Reminders to sa mga pasaherong haliparot. Pero sa mga pasaherong may disiplina tyak aayon naman sila. Wala sa itsura kasi ang basehan. Sabe nga walang matinong lalake sa pursigidong haliparot na babae. Lalo na kung si kuya ay may d*la at D*l*ri. P.S.(Gigil na gigil sa comment ang mga tinamaan."
"Shes not being too much. Shes just being territorial. Kase mga lalake or babae hndi alam ang salitang respect at limitations. Sometimes you have to slap people with the truth/fact , even if it's not comfortable to Protect your Peace."
"There are many women who actually find married men more attractive, so I don’t think this would help. Tama ba KJY?"
"If a man wants to cheat he will find many ways to cheat. But I truly understand the feeling of the wife.
Hindi naman tinukoy ang pagkakakilanlan ng rider at misis niya.