January 26, 2026

Home BALITA

Simbahan sa Cebu City, ipinakiusap 'maayos na pananmit' sa pista ng Sto. Niño

Simbahan sa Cebu City, ipinakiusap 'maayos na pananmit' sa pista ng Sto. Niño

Nagpaalala ang Basilica Minore del Santo Niño sa Cebu City sa mga deboto at bisita na magsuot ng wastong kasuotan sa pagpasok sa simbahan, kasabay ng pagdagsa ng libo-libong mananampalataya para sa Fiesta Señor, ang relihiyosong bahagi ng Sinulog Festival.

Ayon sa pamunuan ng Basilica, partikular na dinarayo ang simbahan ng mga deboto na dumadalo sa araw-araw na Novena Masses na nagsimula noong Enero 8, 2026. 

Ang kapistahan ng Señor Santo Niño ay gaganapin sa Enero 18, na siya ring araw ng Sinulog Grand Parade.

Sa isang pahayag nitong Sabado, Enero 10, 2026, sinabi ni Fr. Jules Van Almerez, OSA, media liaison officer ng Basilica, na dapat igalang ng mga bumibisita ang banal na lugar.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Dagdag niya, “Even if some do not follow the dress code, it does not mean we should follow their example. We must remain humble and disciplined in our own conduct inside the church.”

Sa kaniyang buong pahayag, pinasalamatan ni Fr. Almerez ang mga debotong sumusunod sa dress code at binigyang-diin na ang Basilica ay isang lugar ng panalangin na bukas para sa lahat.

“We sincerely thank the vast majority of our devotees for your vigilance. By following the dress code, you show your love for the Holy Child and maintain the solemnity of our prayers,” ayon sa kanya.

Ipinaalala rin niya na ang paggalang sa simbahan ay hindi dapat nakabatay sa kilos ng iba. 

“Our theme, ‘In Santo Niño We Are One,’ calls us to be united in respect for our traditions and for one another. Let us keep our eyes on the Holy Child and honor His home with the dignity it deserves,” dagdag niya.

Samantala, muling inilista ng Basilica ang mga itinuturing na hindi angkop na kasuotan sa loob ng simbahan.

 Kabilang dito ang spaghetti straps, tube o tank tops, sleeveless at plunging necklines, racerbacks at barebacks, sando o anumang kasuotang walang manggas, shawl, maiikling palda at crop tops, shorts ng anumang uri, ripped jeans, pagsusuot ng cap o bucket hat sa loob ng simbahan, at see-through na damit.

Hinimok ng pamunuan ng Basilica ang lahat ng deboto at bisita na pairalin ang disiplina at paggalang bilang bahagi ng kanilang debosyon sa Señor Santo Niño.