Nakiramay sa mga naulila at binigyang pugay ni Sen. Robin Padilla ang public school teacher na sumakabilang-buhay sa kalagitnaan ng class observation sa loob ng isang silid-aralan sa Muntinlupa City.
Sa isang Facebook post ni Padilla nitong Sabado, Enero 10, mababasa ang mensahe niya para sa nasabing guro na si Agnes Buenaflor ng Pedro E. Diaz High School.
“Pagpupugay at paggalang sa serbisyo publiko na inalay at higit sa lahat ay pagkikiramay sa pamilya ng Isang pampublikong guro sa high school sa Muntinlupa City ang binawian ng buhay sa kanyang silid-aralan noong Enero 7,” anang senador.
Bukod dito, nagbahagi rin siya ng isang Islamic phrase mula sa Quran na binabanggit ng mga Muslim sa panahon ng pagkawala at pag-aalala.
Mababasa sa post, “Indeed, to Allah we belong, and to Him we shall return.”
Matatandaang matapos ang nangyari kay Buenaflor, kinalampag ng Teachers’ Dignity Coalition ang Department of Education (DepEd) para muling suriin ang classroom observation na ginagawa sa kaguruan.
Pumanaw si Buenaflor sa edad na 58.
Maki-Balita: Guro, patay matapos mahimatay habang nagka-class observation sa kaniya