Nagpaabot ng mensahe si dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez para sa bagong abogado ng bayan mula sa Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation (DVOREF).
Sa latest Facebook post ni Romuladez nitong Sabado, Enero 10, mapapanood ang kabuuan ng kaniyang video message.
"Ngayong kayo ay mga abogado na, dala ninyo ang isang mabigat ngunit marangal na tungkulin—ang ipaglaban ang batas, ipagtanggol ang tama, at pagsilbihan ang sambayanang Pilipino, lalo na ang mga nangangailangan ng katarungan,” saad ni Romualdez.
Dagdag pa niya, “Huwag n'yong kalilimutan kung saan kayo nagmula. Huwag n'yong kalilimutan ang Leyte, ang DVOREF, at ang mga taong tumindig sa likod ninyo habang tinatahak ninyo ang landas patungo sa landas na ito..”
Pinangangasiwaan ni Romualdez ang DVOREF bilang dean nito.
Matatandaang batay sa inilabas na datos ng Korte Suprema noong Enero 7, nakaposisyon ang nasabing educational foundation bilang ikaapat sa top-performing law school sa buong Pilipinas.