Ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang pinakaayaw niyang katangian sa isang katrabaho.
Sa latest episode ng “Janno & Bing” kamakailan, sinabi ni Marian na alam umano ng lahat ng kaniyang mga naging katrabaho na ayaw niya ang mga hindi dumarating sa takdang oras na pinag-usapan.
“Alam ng lahat ng katrabaho ko kung ano ‘yong ayaw ko talaga,” sabi ni Marian. “Parang kaya kong mag-adjust kung hindi mo kayang magbigay na actor; na gusto mo ikaw lagi ang bida, that’s fine with me.”
“Hindi mo alam ‘yong lines mo, okay lang sa akin ‘yon. Bahala ka. Basta ginagawa mo ‘yong work mo, gagawin ko ‘yong work ko. That’s fine with me. Isa lang ang ayaw kong ginagawa, always late,” dugtong pa niya.
Paliwanag ni Marian, naaawa raw kasi siya sa mga crew na maagang pumapasok at huli ring umuuwi.
Kaya naman tila hindi naiwasang umaray ng singer-actor na si Janno Gibbs sa sinabi ni Marian. Matatandaang isa si Janno sa mga kilalang artista na madalas ma-late sa set.
Hirit tuloy ng Kapuso Primetime Queen, “Buti na lang talaga hindi pa tayo nagkakatrabaho.”