Sinariwa ni GMA Network trivia master at TV host Kuya Kim Atienza ang alaala ng anak niyang si Emman Atienza.
Sa isang Facebook post ni Kuya Kim kamakailan, ibinahagi niya ang video nila ni Emman kung saan mapapanood na tinuturuan siya nitong pumorma.
“Emman was an ukay-ukay queen. She loved fashion and took a Fashion summer course in NYU,” saad ni Kuya Kim.
Dagdag pa niya, “Emman never told me directly but she told her friends that she actually admired her Papa's fashion style.”
Ayon sa trivia master, kuha umano ang nasabing video noong 2025 bago sila umalis papuntang dagat.
Matatandaang pumanaw si Emman noong Oktubre 24, 2025 sa edad na 19.