January 24, 2026

Home BALITA

'Hindi nasusukat ng resulta ang pangarap!' Diokno, nagpayo sa mga 'di nakapasa sa Bar Exam

'Hindi nasusukat ng resulta ang pangarap!' Diokno, nagpayo sa mga 'di nakapasa sa Bar Exam
Photo courtesy: Chel Diokno (FB), MB FILE PHOTO

Nagbigay ng mensahe si Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno para sa mga hindi nakapasa sa Bar Examination nitong nakaraan.

Ayon sa inupload na video ni Diokno sa kaniyang Facebook page noong Biyernes, Enero 9, sinabi niyang parte ng buhay ang mga hamon, hadlang, at problemang kinakaharap ng isang tao.

“Sa lahat ng hindi pinalad ng bar this year, I just want to say, hindi kayo nabigo,” pagsisimula niya.

Photo courtesy: Chel Diokno (FB)

Photo courtesy: Chel Diokno (FB)

Internasyonal

12-anyos na lalaki, patay sa kagat ng pating!

Dagdag pa niya, “A wise man once said, there is no education like adversity. Challenges, problems, obstacles are a part of life. We cannot control them but we can control how we respond to them.”

Binigyang-diin din ni Diokno na maaari umanong maapektuhan ang isang tao kung hahayaan nito ang mga negatibong “adversity” na nangyayari sa buhay niya.

“As Voltaire put it, the longer we dwell on our misfortunes, the greater is their power to harm us. Responding negatively to adversity makes us anxious and prone to self-pity,” aniya.

Giit naman niya, “But responding positively makes us resilient and gives us strength.So instead of looking at adversity as a problem, we should look at it as an opportunity for growth.”

Ani Diokno hindi nasusukat ang mga pangarap isang resulta at sinabi pa niyang may saysay sa bawat laban na pinagdaraanan ng isang tao.

“Ang pangarap ay hindi nasusukat ng isang resulta. May saysay ang bawat laban,” pagtatapos niya.

Matatandaang isinapubliko ng Korte Suprema ang kabuuang 5,594 bilang ng mga nakapasa sa 2025 Bar Examination noon ding Miyerkules, Enero 7, 2026.

Ayon kay Bar Chairperson Justice Amy Lazaro-Javier, aabot sa 48.98% ng 11,420 ng kabuuang bilang ng mga kumuha ng Bar examination ang nakakumpleto ng tatlong araw na pagsusulit na isinagawa noon.

MAKI-BALITA: ‘Delays are not defeat!’ Tatay na nakapasa sa Bar exam matapos 23 taon, 4 na attempt, nagpaiyak sa netizens!

MAKI-BALITA: Lalaking pumasa sa Bar Exam, muntik nang maging unang kliyente si Lord; kinatuwaan!

Mc Vincent Mirabuna/Balita