January 26, 2026

Home SHOWBIZ

'Hindi kita susukuan!' McCoy De Leon, nakahalik sa krus ng Poong Nazareno

'Hindi kita susukuan!' McCoy De Leon, nakahalik sa krus ng Poong Nazareno
Photo Courtesy: McCoy De Leon (IG)

Nagawang makahalik ng aktor na si McCoy De Leon sa krus ng Poong Hesus Nazareno sa pagdiriwang ng kapistahan nito.

Sa latest Instagram post ni McCoy nitong Sabado, Enero 10, sinabi niyang hindi raw niya inaasahan pang aabot sa Traslacion.

Aniya, “Nung una akala ko hindi na ako aasa na aabot dahil natapos ako ng 2am sa taping. Sa susunod na taon nalang ako babawi kaya bumili nalang ako ng mga panyo tsaka tshirt para syempre sa baby ko.

Dumaan na rin daw siya sa Quiapo para makapagdasal at masilip kung ano ang nasa loob ng simbahan. At noong papauwi na, hindi raw siya mapakali dahil parang may kulang. Kaya nagdesisyon siyang hanapin ang andas.

Elijah Canlas, ilang beses ‘inechos’ ng filmmakers

“Muli ko siyang nakita ulit palapit ng palapit. Hangang tinulungan ako ng mga kapatid (lalo na tong kapatid ko na to si Johnny Najera). Sobrang sarap sa pakiramdam at NAKHALIK AKO SA KRUS NIYA,” lahad ni McCoy.

Dagdag pa niya, “Poong Nazareno hindi kita susukuan tulad ng hindi mo pagsuko sa akin. “

Matatandaang isa si McCoy sa mga celebrity na matagal nang deboto ng Poong Nazareno. Sa katunayan, dumalo rin siya sa kapistahan nito noong 2024. 

Maki-Balita: McCoy, nakaharap ulit ang Itim na Nazareno