January 26, 2026

Home BALITA

Hijo na nawalan ng malay, nalaglag sa stretcher, nagpasalamat pa rin sa Nazareno

Hijo na nawalan ng malay, nalaglag sa stretcher, nagpasalamat pa rin sa Nazareno
Photo courtesy: Contributed photo

Nasa maayos na kondisyon na ang isa sa mga Hijos na nahimatay habang sakay ng andas ng Jesus Nazareno sa kasagsagan ng Traslacion noong Biyernes, Enero 9, 2026.

Mapapanood sa nagkalat na video sa social media kung paano unti-unting nawalan ng malay ang nasabing Hijo sa kasagsagan ng bugso ng mga deboto. 

Matapos tuluyang mawalan ng malay, agad na naibigay ang stretcher upang maialis ang katawan ng Hijo mula sa andas. Ilang deboto rin ang makikitang tumulong mausong ang katawan ng naturang Hijo ngunit sa kasamaang palad ay nalaglag pa ito mula sa stretcher.

Mabilis namang naiangat ang kaniyang katawan at muling naisakay sa stretcher.

Trillanes, nagpasalamat kay Ogie Diaz matapos supalpalin si Belgica

Samantala, sa isang Facebook post, idinaan ng nasabing Hijo ang kaniyang pasasalamat para sa lahat daw ng nagdasal para sa kaniyang kalagayan.

“Sa mga nag-aalala po sakin, okay na po ako at nagpapahinga din dito sa Simbahan. meron talagang hindi inaasahang pangyayari kaya nagkaganun pero okay naman po ako,” anang Hijos.

Dagdag pa niya, “Kasama na ito sa aming Sinumpaang Tungkulin bilang isang Hijos Del Nazareno. Salamat po sa mga Prayers ninyo. Salamat sa mga kasama ko sa HDN-MBBN lalo kay Pre tol Heneral Suha at Doc Dan N Cam. Salamat sa Poong Jesus Nazareno.”

Matatandaang inabot ng halos 31 oras ang itinagal ng Traslacion na siyang pinakamatagal na prusisyon ng Jesus Nazareno sa kasaysayan nito. Dalawang katao ang naiulat na nasawi habang nasa mahigit 800 daan ang kinailangang lapatan ng paunang lunas.