Tila natawa na lang si Kapuso star at global fashion socialite Heart Evangelista-Escudero matapos ibalita ng mga news outlet ang tungkol sa pagkagat sa kaniya ng garapata.
Habang nagme-make up kasi kamakailan, nai-share ni Heart sa followers niya na nakagat nga siya ng garapata na nanggaling sa pusa niya.
Sa kanyang Instagram Live recently habang nagmi-makeup, ikinuwento ni Heart na nakagat siya ng garapata mula sa kanyang pusa.
Todo-sulat naman ang ilang mga tabloid tungkol dito, at napaulat pa nga sa flagship newscast program ng TV5 na "Frontline Pilipinas" noong Huwebes ng gabi, Enero 8.
Ibinahagi naman ni Heart ang screenshot ng pag-uulat ni Frontline Pilipinas showbiz news presenter Jervi "KaladKaren" Li-Wrightson tungkol sa pagkagat sa kaniya ng garapata.
Caption ni Heart, "wala na ba mabalita!!!! pati pagkagat ng garapata!!! hahahah," aniya.
Dagdag pa, "What the" na may smiling face with horns at laughing in tears emojis.
Photo courtesy: Screenshot from Heart Evangelista/IG
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Hey, any publicity is still a publicity."
"Yan ang kinabubuhay nila ate magbalita.. kanya kanyang gimik yan .."
"Normal na yan sa buhay ng mga furparents, at madami pang kung ano anong stories about raising pets lol"
"At least hindi flood control ng asawa mo ang binabalita tungkol sayo."
"Heart, wala kaming issue sa mga pets mo pero yung mga tao sa paligid mo ang totoong garapata lol."