January 24, 2026

Home BALITA National

Harry Roque para kay FPRRD: 'God will not allow an injustice to be done to a good man!'

Harry Roque para kay FPRRD: 'God will not allow an injustice to be done to a good man!'
Photo courtesy: Harry Roque (FB), BALITA FILE PHOTO

Tila hindi pa rin nauubusan ng pag-asa si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na muling makauwi si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas at makaalis sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands. 

Ayon sa inupload na video ni Roque sa kaniyang Facebook account nitong Sabado, Enero 10, sinabi niyang naniniwala raw siya sa kapangyarihan ng panalangin lalo na kung marami silang gagawa nito. 

“Well, I believe in the power of prayers po at lalong lalo na kung two or more of us will pray,” pagsisimula niya sa 37 segundo niyang reels. 

Photo courtesy: Harry Roque (FB)

Photo courtesy: Harry Roque (FB)

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

HInikayat pa ni Roque ang publiko na ipagdasal ang dating Pangulo para makauwi raw ito sa bansa sa lalo at mabilis na panahon. 

“So ipagdasal po natin [si FPRRD] dahil sa tingin ko ‘yan po talaga ang pinakamalakas at makatanging pamamaraan para mapauwi pa rin si tatay Digong sa lalong mabilis na panahon,” saad niya. 

Humingi rin ng dispensa si Roque sa publiko kung patuloy pa rin daw siyang umaasa na makakauwi si FPRRD  

“Pasensya na po kayo kung ako talaga ay umaasa pa rin na mapauwi si tatay Digong,” aniya. 

“Dahil in the end, naniniwala pa rin ako na God will not allow an injustice to be a good man at ‘yan po si tatay Digong,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Rep. Pulong sa lagay ni FPRRD: 'Long hair na siya!'

MAKI-BALITA: Hindi kinidnap? Pag-aresto kay FPRRD, malayo sa pagtugis kay Maduro ng Venezuela!—UP Prof

Mc Vincent Mirabuna/Balita