Lubos ang naging pasasalamat ng Pinay singer na si Gwyn Dorado sa kaniyang pamilya at supporters sa pagtatapos ng kaniyang ‘Sing Again 4’ journey sa South Korea, kamakailan.
Sa long post ni Gwyn sa kaniyang social media nitong Sabado, Enero 10, ibinahagi niya na bagama’t nagkaroon siya ng pag-aagam-agam sa sarili noong nagsisimula pa lamang siya sa kaniyang “Sing Again 4” journey, grateful siya sa mga kaibigan at pamilya na nakilala niya rito.
“ I can't believe Sing Again 4 has come to an end.But for me, it feels like a new chapter has begun. When I first started this journey, I had thoughts running in my mind:
‘Is my Korean good enough?’
‘What if I make mistakes?’‘Will people like me?’
These thoughts wouldn't leave me alone,” pagbabalik-tanaw ni Gwyn.
“But I thought, if a door opens, shouldn't we just go through it? I told myself to take it one day at a time, one step at a time. I never imagined this journey would lead me here, no one did. More than the results, I’m deeply grateful for the people I met through Sing Again 4. The friends and family I made, mean more to me than I can put into words,” dagdag pa niya.
Sa pamamagitan rin ng “Sing Again 4,” natupad daw ni Gwyn ang mga pangarap niya bilang singer, at na-realize niya na marami ang sumusuporta sa kaniya sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap.
“Sing Again 4 was a stage that helped me make my dreams turn into reality. To be honest, while I was preparing for this show, I felt like nothing in my life had changed because every single day was just focusing on practice, repetition, and routine. I stayed the same but when I think about it, something has changed. I realized there were more and more people who cared for me, who worried about me, and who stood by me. Because of those who treated my struggles as their own, I was able to come this far,” ani Gwyn.
Para sa judges ng contest, grateful siya sa mga naging paggabay ng mga ito sa kaniyang talento, at tiniyak niyang dadalhin niya ang mga payong ito.
“Thank you so, so much for always looking at me with such warmth. Receiving advice from judges I had only ever seen on TV was surreal and overwhelming in the best way. I learned so much, and I will cherish your kind words and guidance for a long time,” pagpapasalamat ni Gwyn sa mga naging hurado ng “Sing Again 4.”
Gayundin sa staff members ng contest na nakasama niya at umalalay sa kaniya.
“My deepest thanks as well to all the staff members who supported me and walked alongside me throughout this journey. Thank you for taking such good care of me,” ani Gwyn.
Isa-isa rin niyang pinasalamatan ang mga magulang at mga kapatid na bagama’t malayo ay hindi nagsawang magpaabot ng kanilang pagsuporta,
“To my family, who felt close even when far away. Thank you for always being there and for coming to cheer me on. Mama, Dada, Freya, Faline, labyu labyuuu ,” partikular na saad ni Gwyn sa mga kaanak.
Panghuli ay ang entertainment agency na kaniyang kinabibilangan.
“To my AO Entertainment family, the time we spent creating music together was truly special to me,” saad ni Gwyn.
Bilang Pinay, hindi rin nakalimutan ng singer ipagpasalamat sa Panginoon ang naging tagumpay.
“And above all, thank you Lord for making all of this possible,” saad ni Gwyn.
“Without you all, ‘Contestant No. 59,’ Dorado would be nothing. Thank you for accepting me, for seeing me, and for believing in Dorado. I hope we can continue to make many more beautiful memories together through music,” dagdag pa ng singer.
Si Gwyn ang natatanging foreigner sa final round ng “Sing Again 4,” kung saan, nagtapos siya sa 2nd place noong Enero 6.
Ang version niya ng kantang "I Want You" ang umani ng pinakamataas na score na 798 out of 800, mula sa mga hurado, na pinakamataas sa kasaysayan ng buong season ng “Sing Again 4.”
Matatandaan na napaiyak rin ni Gwyn ang ilan sa mga hurado, audience, at kapwa contestants sa emosyonal niyang pagkanta niya ng “One Late Night in 1994” noong Nobyembre 2025.
Bago gumawa ng kasaysayan sa South Korea, si Gwyn ay unang nakilala bilang isa sa finalists sa Asia’s Got Talent Season 1 noong 2015.
Pebrero 2024, naging parte siya ng A.O Entertainment, kung saan plano niyang mag-debut gamit ang apelyido niya bilang screen name.
MAKI-BALITA: Filipina singer Gwyn Dorado, napahanga mga hurado sa Korean TV show, ‘Sing Again 4’
Sean Antonio/BALITA