January 26, 2026

Home BALITA

Flat na flat yung tiyan! Debotong nakihila ng tali, patay matapos magulungan ng andas!

Flat na flat yung tiyan! Debotong nakihila ng tali, patay matapos magulungan ng andas!

Nasawi ang isang 30-anyos na deboto ng Poong Jesus Nazareno matapos umano siyang magulungan ng andas ng imahe sa kasagsagan ng Traslacion noong Biyernes, Enero 9, 2026 sa kahabaan ng Castillejos Street sa Maynila.

Ayon sa mga ulat, sinasabing kaisa ang biktima sa mga debotong humihila sa isa sa mga tali ng andas. Posible umanong nakabitaw siya mula sa lubid hanggang sa masiksik siya ng daloy ng mga deboto hanggang sa ilalim ng andas.

Batay naman sa pahayag ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMC), sinubukan pa raw nilang mai-revive ang biktima ngunit binawian din ng buhay.

"Yung tiyan talaga ang nadale sa pasyente and crushing injury. Maybe a little bit of the chest yung natamaan kaya very damaged yung katawan," ani Dr. Cynthia Versoza ng JRMMC sa panayam na ibinahagi ng 24 Oras nitong Sabado, Enero 10.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Dagdag pa niya, “Meron pasa na nakita sa katawan... mukhang nagulungan, flat na flat yung tiyan. As if nadaanan ng something on top."

Kabilang ang nasabing biktima sa apat na kumpirmadong nasawi sa Traslacion, kasama na ang ilan pang debotong inatake sa puso.

Matatandaang inabot ng halos 31 oras ang itinagal ng Traslacion na siyang pinakamatagal na prusisyon ng Jesus Nazareno sa kasaysayan nito.

Maki-Balita: 9.6M deboto, nakiisa, dumagsa sa Traslacion ng Poong Jesus Nazareno 2026!