January 24, 2026

Home BALITA Probinsya

Enggrandeng selebrasyon ng ‘Sinulog 2026’ opisyal nang sinimulan sa Cebu

Enggrandeng selebrasyon ng ‘Sinulog 2026’ opisyal nang sinimulan sa Cebu
Photo courtesy: The Cebuano (FB)

Viva Pit Señor!

Kinulayan at pinaingay ng iba’t ibang sayaw at ritmo ang mga kalsada sa Cebu bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng Sinulog 2026 noong Biyernes, Enero 9. 

Binuksan ang selebrasyon sa pamamagitan ng misa simula 2:30 ng hapon hanggang 3:30, na sinundan ng launching parade simula Basilica Minore del Santo Niño de Cebu patungong Cebu City Sports Center. 

Ayon sa mga ulat, nakiisa sa pagbubukas ang ilang mga grupo at pamantasan sa Cebu tulad ng University of Southern Philippines Foundation, Salazar Colleges of Science and Institute of Technology, Mandaue City Science High School, at Lapu-Lapu Cebu International College.

Probinsya

Taxi driver na tinangkang molestiyahin pasahero niya sa Davao City, tinutugis na!

Base sa website ng Sinulog Foundation, Inc., ang mga sumusunod na pagganap ang aasahan sa mga susunod pang araw: 

Sa mga susunod pa na araw, inaasahan din ang pagtatanghal at pagbisita ng ilan pang personalidad tulad nina Jed Madela, Andrea Torres, Paulo Avelino, Gab Valenciano, at mga bandang Phylum at WillFreedo. 

Sean Antonio/BALITA