Isang 15-anyos na dalagita na dalawang araw nang nawawala ang natagpuang pugot ang ulo sa isang tubuhan sa Sitio Sinait, Barangay Dagat-Kidavao, Valencia City, Bukidnon.
Ayon sa pulisya, ang biktima na isang high school student ay iniulat na nawawala noong Enero 6 matapos hindi makauwi mula sa paaralan.
Sinabi rin ng pulisya na patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo ng krimen at ang may kagagawan nito. Sinusuri rin ng mga awtoridad kung ginahasa muna ang biktima bago ito pinatay.
Ayon pa sa mga awtoridad, ang lugar kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima ay bahagi ng rutang madalas nitong dinaanan pauwi. Karaniwan umano itong umuuwi bandang 4:30 ng hapon.
Samantala,kumpirmadong isang 38-anyos na lalaki ang suspek—na isang sugarcane worker at residente ng Barangay Sinait. Naaresto siya sa isinagawang manhunt operation ng pulisya, Armed Forces of the Philippines, mga opisyal ng barangay, at mga lider ng Indigenous Peoples (IP).
Ayon sa pulisya, nahuli ang suspek sa isang maliit na lugar malapit sa Barangay Banlag sa tulong ng isang Bagani o lider ng tribo.
Nanawagan ang pulisya sa sinumang may kaalaman hinggil sa insidente na makipag-ugnayan sa mga awtoridad. Nagdulot naman ng matinding pagkabigla sa komunidad ang krimen matapos ideklarang nawawala ang biktima noong Enero 6.