Handa umanong kumasa ang Sexbomb girls sa showdown laban sa dalawang higanteng P-Pop idol group ngayon sa Pilipinas.
Sa “Fast Talk” segment ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, naitanong sa Sexbomb member na si Jopay Paguia kung lalaban ba siya o babawi sa pakikipagtagisan sa paghataw kontra BINI.
“Lalaban!” sagot ni Jopay.
Bukod dito, inihayag din niyang bukas umano siyang makipag-collab sa nasabing grupo.
Aniya, “Sobrang proud ako sa BINI no'ng nagkaroon po dito talaga kasi bibihira lang po talaga magkaroon ng P-Pop dito po talaga.
“So, kung sakali makakasayaw po namin sila, bakit hindi po? Nakakatuwaa po 'yon,” dugtong pa ni Jopay.
Samantala, lalaban din umano sila sa showdown kontra SB19.