Umabot sa 9.6 milyong bilang ng mga deboto ang nakiisa at dumagsa sa Traslacion ng Poong Jesus Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo, Maynila noong Huwebes, Enero 8 hanggang nitong Sabado, Enero 10, 2026.
Ayon sa ulat ng Quiapo church at Manila Public Information Office, 9,640,290 ang kabuuang bilang ng mga debotong dumagsa sa Traslacion ng imahe ng Poong Jesus Nazareno matapos ang makasaysayang halos 31 oras na nagsimula noong 4:00 ng madaling ng Biyernes.
MAKI-BALITA: Sa nakalipas na dekada: Traslacion 2026, pinakamaagang nagsimula pero pinakamatagal natapos
Photo courtesy: Manila Public Information Office (FB)
Higit na mas marami ito kaysa sa opisyal na tala sa dami ng mga debotong nagsidalo sa Traslacion ng Poong Jesus Nazareno noong 2025 kung saan umabot sa 8,124,050 milyon na mga tao nakiisa.
Dagdag pa rito, matatandaang sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Traslacion, ipinag-utos ng Quiapo Church officials ang pansamantalang pagtigil ng Andas ng Poong Jesus Nazareno sa San Sebastian, matapos ang tradisyunal na “Dungaw,” nitong Sabado ng madaling araw, Enero 10, 2026.
MAKI-BALITA: 'First time!' Quiapo Church, ipinag-utos na itigil pansamantala ang Andas sa San Sebastian Church
Samantala, bandang 10:50 naman ng umaga nang makabalik ang Andas ng Poong Jesus Nazareno sa Quiapo Church.
MAKI-BALITA: 2 deboto, nasawi sa Traslacion ng Poong Jesus Nazareno 2026!—NCRPO
Mc Vincent Mirabuna/Balita