January 11, 2026

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

Traslacion 2026, pinakamaagang nagsimula sa loob ng 1 dekada

Traslacion 2026, pinakamaagang nagsimula sa loob ng 1 dekada
Photo courtesy: Mark Balmores/MB

Tradisyon na sa mga Katoliko ang Traslacion, o ang pagprusisyon ng imahen ng Poong Hesus Nazareno mula sa Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.

Kung babalikan ang nakaraan, ginugunita sa Traslacion ang pagdating ng imahe ng Nuestro Padre Jesus Nazareno mula Acapulco, Mexico noong ika-1600s at ang paglipat nito mula Bagumbayan patungong Quiapo Church – St. John the Baptist Parish.

Sa nakalipas na isang dekada, mula 2016 hanggang kasalukuyan, ang Traslacion ngayong taon ang pinakamaagang nagsimula.

Nagsimula ito eksaktong 4:00 ng madaling araw nitong Biyernes, Enero 9.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Mga Imahe, Prusisyon na dinudumog ng mga deboto sa Pilipinas

Maki-Balita: Traslacion 2026, nagsimula na; mas maaga kumpara noong 2025

Narito ang oras ng simula ng Traslacion mula noong 2016:

2016 - 6:00 AM
2017 - 5:28 AM
2018 - 5:00 AM
2019 - 5:03 AM
2020 - 4:13 AM
2021 - 2023 - KANSELADO dahil sa Covid-19 pandemic
2024 - 4:45 AM
2025 - 4:41 AM