Nagsimula na ang Traslacion ng Poong Jesus Nazareno na ginaganap tuwing Enero 9 kada taon.
Nagsimula ang Traslacion eksaktong 4:00 a.m., ngayong Biyernes, Enero 9 nang umalis ang Andas ng Poong Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.
Mula sa Quirino Grandstand, lalakbayin ng Andas ang 5.8 kilometrong ruta patungong Quiapo Church.
Ayon sa CBCP News, dadaanan ng Andas ang tatlong parke at plaza, pitong tulay, isang underpass, at 18 kalye sa Maynila.
Noong nakaraang taong 2025, tumagal ang Traslacion ng halos 21 oras. Nagsimula ito ng 4:41 ng madaling araw ng Enero 9 at natapos ng 1:26 ng madaling araw ng Enero 10.
Nasa 8,124,050 deboto naman ang lumahok sa Traslacion 2025.
Ginugunita sa Traslacion ang pagdating ng imahe ng Nuestro Padre Jesus Nazareno mula Acapulco, Mexico noong ika-1600s at ang paglipat nito mula Bagumbayan patungong Quiapo Church – St. John the Baptist Parish noong 1767.