January 24, 2026

Home BALITA National

Sey ni Barzaga: NUP Congressmen, tumanggap umano ng 'lagay' kay Enrique Razon kapalit ng suporta kay Romualdez

Sey ni Barzaga: NUP Congressmen, tumanggap umano ng 'lagay' kay Enrique Razon kapalit ng suporta kay Romualdez
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO, NUP (FB)

Isiniwalat sa publiko ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga na tumanggap diumano ng “lagay” noong Halalan 2025 ang mga congressman na miyembro ng National Unity Party (NUP) mula sa negosyanteng si Enrique Razon. 

Ayon sa naging pahayag ni Barzaga sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Enero 6, diretsahan niyang sinabing tumanggap umano ng lagay ang mga mambabatas na miyembro ng NUP kapalit ng pagsuporta nila kay Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez. 

“NUP Congressmen received bribes from Enrique Razon in various gatherings in Solaire prior to the 2025 elections in exchange for supporting Speaker Martin Romualdez,” mababasa sa post ni Barzaga. 

Photo courtesy: Congressman Kiko Barzaga

Photo courtesy: Congressman Kiko Barzaga 

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Bago ito,, nauna na rin sabihin ni Barzaga sa publiko na si Razon diumano ang “mastermind” ng korapsyon sa Kongreso sa ilang beses na pakikipagkita nito kay Romualdez noon. 

“Enrique Razon is the mastermind behind the corruption in Congress, I will disclose everything in a speech once I return on the first week of February,” ani Barzaga nitong Biyernes. 

Dagdag pa dito, naglabas rin si Barzaga ng ilang screenshot niya tungkol sa conversation umano nila ng NUP kung saan nanghihikayat itong suportahan ng mga mambabatas si Romualdez para maging House Speaker ng Kamara noong 2025. 

Photo courtesy: Congressman Kiko Barzaga
Photo courtesy: Congressman Kiko Barzaga

Photo courtesy: Congressman Kiko Barzaga (FB) 

Samantala, humingi na ng pahayag, tugon, o sagot ang Balita sa NUP kaugnay sa mga naging social media post ni Barzaga tungkol sa dito. 

MAKI-BALITA: Kahit labag sa Int'l law? Kiko Barzaga, umapela ng 'foreign intervention' gaya raw ng nangyari sa US-Venezuela

MAKI-BALITA: Leviste, San Fernando, Barzaga binabansagang 'Makabagong GomBurZa'

Mc Vincent Mirabuna/Balita