January 11, 2026

Home SHOWBIZ

Sa halagang ₱72,000: Darryl Yap, tinubos nakasanglang alahas ng follower

Sa halagang ₱72,000: Darryl Yap, tinubos nakasanglang alahas ng follower
Photo Courtesy: Darryl Yap (FB)

Ibinahagi ng direktor na si Darryl Yap ang ginawa niyang pagtulong sa isang follower niya na nakasangla ang mga alahas.

Sa latest Facebook post ni Darryl nitong Biyernes, Enero 9, sinabi niyang birthday gift umano niya sa sarili ang ginawang pagtulong.

“Tinubos ko yung ₱72,000 na sangla ng isang kong follower. Birthday Gift ko sa sarili ko ngayong 2026,” saad ni Darryl.

Ngunit paglilinaw niya, “Hindi ito kayabangan. Hindi rin pagpapamukha ng tulong o paghahanap ng atensyon at papuri. ALAM KO ANG PAKIRAMDAM NG UMAASA SA SANGLAAN.”

‘Bakit hindi?’ Sexbomb papalag sa showdown vs. BINI, SB19

Ayon sa direktor, hindi umano sapat na makabawi sa mga taong tumutulong.

“HINDI SAPAT NA MAKABAWI KA SA MGA TUMULONG SA IYO, KAILANGAN MONG TUMULONG PARA HINDI MAPUTOL ANG KABUTIHAN. Pay it forward,” aniya.

Bukod dito, ikinuwento rin ni Darryl ang naging epekto umano ng karanasan niya sa Honesty Store sa  follower niyang si niyang si “Cel Ma Rie.”

“Tinulungan ko si Cel dahil alam ko ang pakiramdam ng may sangla- ng may bigat sa dibdib.at alam ko rin ang pakiramdam ng biglang may solusyon sa lahat—MAY SWERTE, MAY TUGON AGAD ANG DIYOS,” dugtong pa niya.

Matatandaang ibinahagi kamakailan ni Darryl ang isang pagkakamaling ginawa sa sikat na "Honesty Store" sa Batanes noong 2018 na itinuwid niya makalipas ang walong taon.