January 11, 2026

Home BALITA National

PBBM, VP Sara nakiisa sa Pista ng Poong Hesus Nazareno

PBBM, VP Sara nakiisa sa Pista ng Poong Hesus Nazareno

Nakiisa sina Pangulong Bongbong Marcos at Pangalawang Pangulo Sara Duterte sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno nitong Biyernes, Enero 9, 2026.

Sa magkahiwalay ng pahayag ng dalawang opisyal, ibinahagi nila ang kanilang mensahe ng pagkakaisa.

Inanyayahan ng Pangulo ang publiko na hayaan ang kanilang debosyon na gabayan ang paraan ng "pag-iisip, pagkilos, at pagtulong sa isa't isa."

Inaasahan din niya na ang pagdiriwang ay magpapatibay sa ating pinagsamang panata na pasanin ang mga pasanin ng isa't isa, magbahagi ng mga pagkakataon nang patas, at panatilihing buhay ang pag-asa sa pagbuo ng isang "mas makatao at tapat na Bagong Pilipinas."

National

VP Sara nakiramay, personal na bumisita sa mga biktima ng Binaliw Landfill Landslide sa Cebu

Ayon naman sa Bise Presidente, ang debosyon sa Poong Nazareno ay nagpapaalala sa bawat isa "nang walang kapantay na pag-ibig, sakripisyo, at pagpapakumbaba ni Hesus para sa sangkatauhan."

Dagdag pa niya, nawa ay magsilbing inspirasyon ang Nazareno upang patuloy na isabuhay ang pag-ibig at pagtitiwala sa plano ng Diyos.

Nagsimula ang Traslacion eksaktong 3:58 ngayong Biyernes, Enero 9 nang umalis ang Andas ng Poong Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.

Maki-Balita: Traslacion 2026, nagsimula na; mas maaga kumpara noong 2025