Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang paglulunsad ng Project AGAP.AI ng Department of Education (DepEd) sa Quezon City.
Ayon sa ibinahaging mga larawan ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes, Enero 9, makikita ang pakikisalamuha ng Pangulo sa mga guro at estudyante sa Quezon City Science High School.
Anang PCO, kaakibat ng dinaluhang event ni PBBM na isulong ang artificial intelligence sa basic education at national development para sa lahat ng mag-aaral, guro, at mga magulang sa paggamit ng AI.
“Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng Project AGAP.AI ng DepEd sa Quezon City Science High School bilang hakbang sa pagsasama ng artificial intelligence sa basic education at national development na magsasanay sa mga mag-aaral, guro, at magulang sa responsable at etikal na paggamit ng AI,” anila sa caption ng post.
Photo courtesy: PCO (FB)
Pagpapatuloy pa ng PCO, kaugnay iyon ng pagsusulong ng gobyerno sa Philippine AI Program Framework na naglalayong palakain ang ekonomiya, imprastraktura sa bansa, at iba pa.
“Kaugnay ang proyektong ito ng isinusulong ng pamahalaan na Philippine AI Program Framework na may layuning palakasin ang ekonomiya, imprastraktura, at kakayahan ng mga manggagawa, habang nangunguna ang Pilipinas sa pagbuo ng makatao at magkakaugnay na AI ecosystem sa ASEAN,” pagtatapos pa nila
MAKI-BALITA: PBBM, VP Sara nakiisa sa Pista ng Poong Hesus Nazareno
Mc Vincent Mirabuna/Balita