January 25, 2026

Home BALITA National

New year, new mission? Sec. Dizon, inasembol bagong mga Dist. Engr. ng Bulacan

New year, new mission? Sec. Dizon, inasembol bagong mga Dist. Engr. ng Bulacan
Photo courtesy: DPWH (FB)

Pinulong ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang mga bagong opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office upang ibigay ang kanilang bagong misyon sa simula ng taon. 

Ayon sa ibinahaging mga larawan ng DPWH sa kanilang Facebook post nitong Biyernes, Enero 9, makikita ang pakikipag-usap ni Dizon sa mga bagong opisyal sa distrito ng nasabing probinsya. 

Anang DPWH, ipinag-utos ni Dizon sa mga naturang opisyal ang agarang pagsasaayos at “construction” ng mga sirang dike sa Calumpit, Bulacan para maibsan ang baha sa darating na tag-ulan. 

“Ipinag-utos ni Public Works Secretary Vince Dizon sa mga bagong opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office ang agarang repair at construction ng mga sirang dike upang maibsan ang pagbaha sa bayan ng Calumpit at iba pang mabababang lugar sa Bulacan bilang paghahanda sa pagdating ng tag-ulan,” mababasa sa caption ng DPWH. 

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Photo courtesy: DPWH (FB)

Photo courtesy: DPWH (FB)

Pagpapatuloy nila, diniin daw ni Dizon sa mga bagong opisyal ang utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na siguraduhing maipapatupad nang maayos ang mga proyektong inatang sa kanila. 

“Sa kanyang meeting kaninang umaga, binigyang-diin ng Kalihim ang utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal na siguruhing naipatutupad ng maayos ang mga proyekto base sa masterplan at tiyaking wala na muling makakalusot na ‘ghost’ at substandard projects,” pagtatapos nila. 

MAKI-BALITA: PBBM, binisita itatayong 60 silid-aralan sa nasunog na San Francisco High School sa QC

Mc Vincent Mirabuna/Balita