January 26, 2026

Home BALITA

Mga preso sa Puerto Princesa, tuloy ang debosyon sa Poong Nazareno

Mga preso sa Puerto Princesa, tuloy ang debosyon sa Poong Nazareno
Photo Courtesy: BJMP PPCJ (FB)

Walang rehas na nakapigil sa debosyon ng mga preso sa Puerto Princesa para sa Poong Nazareno.

Sa isang Facebook post ng BJMP Puerto Princesa City Jail (PPCJ) - Male Dormitory nitong Biyernes, Enero 9, ibinahagi nila ang mga kuhang larawan mula sa isinagawang novena at rosaryo bilang bahagi sa pagdiriwang ng kapistahan ng Poon.

Pinasinayahan ito ng Welfare and Development Unit sa pangunguna ni SJO1 Peter M Tumanon at ng team nito.

Pagpapakita umano ito ng patuloy na suporta ng BJMP PPCJ sa iba’t ibang relihiyon ng mga preso bilang pagkilala sa espiritwal na paglago na mahalagang bahagi sa pagbabago ng isang indbidwal.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Isa sa mga dinadagsang pagdiriwang sa Pilipinas ang Pista ng Itim na Nazareno na ginaganap sa Quiapo sa Maynila tuwing ika-9 ng Enero taon-taon.

Isinasagawa sa araw na ito ang “traslacion” o iyong paglilipat ng itim na rebultong kahoy ni Hesu-Kristo na may pasan-pasang krus mula sa Quirino Grandstand patungong Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo.