January 26, 2026

Home SHOWBIZ

Matapos maospital ng anak, looking for yaya si Nikko Natividad; 'Yong sexy, maganda!

Matapos maospital ng anak, looking for yaya si Nikko Natividad; 'Yong sexy, maganda!
Photo courtesy: Nikko Seagal Natividad (FB), Freepik

Tila humirit ng biro ang aktor na si Nikko Natividad sa kaniyang social media post tungkol sa paghahanap niya ng yaya o “caregiver” sa kaniyang anak matapos itong makaranas ng seizure kamakailan habang kumakain sila sa isang restaurant sa Japan. 

KAUGNAY NA BALITA: Anak may pneumonia! Nikko dasal 'wag mawalan ng trabaho, pagkakakitaan

Ayon sa hirit ni NIkko sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Enero 9, ipinabatid niya sa publiko ang paghahanap niya ng mag-aalaga sa kaniyang anak. 

“Looking for yaya 18-24yrs old sexy maganda. 5’6 to 5’9 height. Vital stats 36-24-36 higit sa lahat malambing,” banat ng aktor. 

Elijah Canlas, ilang beses ‘inechos’ ng filmmakers

Photo courtesy: Nikko Seagal Natividad (FB)

Photo courtesy: Nikko Seagal Natividad (FB)

Matapos nito, tila hindi pa naubusan ng biro sa kaniyang mga fans si Nikko at muli pa siyang nag-post ng dalawang beses. 

“Nakakatuwa ang daming nag aaply na yaya. Wag na kayo mag send resume. Pa send nalang ng selfie at whole body. Kung may hikaw sa dila at pusod pa send din ng picture. Mas prefer ko sana may tattoo sa balakang ng ,” mababasa sa kasunod na post niya. 

“Sorry ayaw po ng anak ko yung may tattoo na pusong may arrow Saka alambre sa braso. Gusto nya yung pa cute lang,” pangungulit pa niya sa netizens. 

Tila hindi naman nagpatinag ang netizens sa mga biro ni Nikko at nagawa nilang sakyan ang trip ng aktor. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa mga naturang post ni Nikko:

“Magakno sweldo and location? Free food and lodging? Speak 7 languages baka need mo charoot” 

“Yaya ng baby nyo po ? O yaya mo nikko?? prang gsto mo itabi sa pag tulog eh .. hahaha” 

“Pag sayo talaga may nagsend ng ganyan” 

“Pwede wfh? Hahahaha. Virtual Yaya ganon hahahha” 

“Yung anak po o yung tatay may gusto” 

“Grabing requirements yan” 

MAKI-BALITA: Tumirik-mata, kumulay violet! Anak ni Nikko Natividad, nag-seizure habang kumakain sila sa resto

Mc Vincent Mirabuna/Balita