January 24, 2026

Home BALITA National

'Maghintay sila ng asunto!' Kampo ni Zaldy Co, magsasampa ng kaso?

'Maghintay sila ng asunto!' Kampo ni Zaldy Co, magsasampa ng kaso?
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO

“Abuso” para sa kampo ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ang pagkumpiska ng mga awtoridad sa 34 na sasakyang may kaugnayan umano kay Co at sa kumpanya nitong Sunwest Construction and Development Corporation. 

Ayon sa mga ulat nitong Biyernes, Enero 9, 2026, sinabi ng abogado ni Co na si Atty. Ruy Rondain sa naging panayam sa kaniya ng Super Radyo DZBB na sapilitan umanong kinuha ng mga awtoridad ang aabot sa 34 bilang ng mga sasakyan ng kaniyang kliyente at pagmamay-ari nitong kumpanya.

“They got these forcibly without a search warrant. 34 [vehicles],” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “I asked them why, they said the LTO placed it under an alarm for being a hot car, ninakaw. Sino ba nag-report na ninakaw 'yan? 'Yong owner? Kami ‘yong may-ari n’yan. ‘Yong mga kumpanya at mga personal na kliyente ko. Sino nag-report na nakaw?”

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Ani Rondain, kinumpiska umano ng mga awtoridad ang susi ng mga sasakyan nina Co upang hindi mailabas sa garahe. 

“They confiscated the keys and barred these vehicles from being taken out of the garage. Effectively, they also confiscated the vehicles, too, because the owners cannot use them. Puwede ba ‘yon?” diin niya. 

Pagpapatuloy pa ni Rondain, talaga raw abuso ang ginawa ng mga awtoridad at maghintay sila ng demanda mula sa kanila. 

“Talagang abuso. Maghintay sila ng asunto, ng demanda. Abusive. Hinihingan ko ng authority, ang sabi, utos lang raw. Puwede ba ‘yun?. That is state abuse,” aniya. 

“They detained the drivers from 10 a.m. to almost midnight. That is also a violation. They said they weren’t detained because they did not allow the drivers to go home,” pagbabahagi pa niya. 

Mayroon din daw ibang mga sasakyan na kinumpiska ng mga awtoridad ay pagmamay-ari ng asawa ni Co at ng kumpanya niya. 

“Some of the vehicles belong to Mrs. Co, while the others are owned by the company. Sunwest Construction is not a respondent in a case here. Why seize these vehicles?” pagkukuwestiyon niya. 

Matatandaang isinilbi ng Bureau of Customs (BOC), kasama ang Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG), at Southern Police District ang warrant of seizure and detention para sa umano’y mga “luxury vehicles” ni Co noong Huwebes, Enero 8, 2026. 

Nakumpiska ng mga awtoridad ang walo (8) sa siyam (9) na mga sasakyan ni Co sa isang condominium sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City. 

Pansamantala muna umanong ilalagay ang mga nasabing sasakyan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil puno na raw sa BOC. 

MAKI-BALITA: 'Mas marami pa akong maletang ipapadala!' Geodetic engineer couple, sinorpresa ni 'Zaldy Co' sa kasal

MAKI-BALITA: Imbakan ng pera? Zaldy Co, nagpagawa ng limang palapag na basement sa Forbes Park

Mc Vincent Mirabuna/Balita