Kabilang ang komedyanteng si Kiray Celis at ang mister niyang si Stephan Estopia sa mga nakiisa para sa Pista ng Poong Nazareno.
Sa latest Facebook post ni Kiray nitong Biyernes, Enero 9, makikita ang mga ibinahagi niyang larawan nila ni Stephan sa idinaraos na kapistahan.
“6 years na magjowa at every year magkasabay na kami pumupunta. At ngayon, Kasal na.. sabay pa rin pupunta!” saad ni Kiray.
Dagdag pa niya, “Salamat sa lahat ng Blessings AMA. Mahal na mahal ka namin! Sana po sa susunod na punta namin sayo, may baby napo kami.”
Matatandaang Disyembre 2025 nang ikasal sina Kiray at Stephan sa Shrine of St. Therese, Pasay City ilang buwan matapos mag-propose ng huli.
Maki-Balita: ‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!