Bumuwelta ang content creator na si Sir Jack o Jack Argota sa komedyante at TV host na si Tuesday Vargas kaugnay sa naging pahayag nito tungkol sa lalaking nandawit umano sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman na mga miyembro diumano ng New People's Army (NPA) ang mga estudyante dito.
“Do not drag the name of the school into your feeble-minded arguments. Hindi NPA ang mga iskolar ng bayan. Huwag po tayong naniniwala basta sa ganitong kwento. Nakakahiya ka Kuya. Kilala mo kung sino ka,” saad ni Tuesday sa kaniyang Facebook post noong Huwebes, Enero 8, 2026.
MAKI-BALITA: Sinetch itey? Tuesday Vargas, tinalakan lalaking nagsabing 'NPA' daw mga taga-UP
Ayon naman sa naging pahayag ni Sir Jack sa kaniyang Facebook post noon ding Huwebes, Enero 8, makikita ang screenshot niya mula sa nasabing post ni Tuesday at sinabi niyang hindi raw niya nilalahat ngunit kailangan umanong tanggapin ni Tuesday na mayroong estudyante sa UP na miyembro ng NPA.
“Ako ba 'to? Kung ayaw moko i-tag edi ako nalang magta-tag sayo Tuesday Vargas. Una sa lahat hindi ko nilalahat, but you have to admit na meron. Okay?” saad niya.
Screenshot mula sa post ni Sir Jack.
Bukod dito, tila hindi pa natapos si Sir Jack ang pinagbakbakan pa niya si Tuesday sa kaniyang mga komento sa sariling post.
“Panahon na siguro na ang AFP CMO ay mamasyal sa mga universities whose students are prone to ṄPÅ recuitment to conduct info drive. Magdala sila ng mga students na narecruit before na nagsi surrender sa government as resource speakers, kawawa ang mga narerecruit na dindala sa bundok na nakaranas ng panlilinlang at minsan ay nauuwi pa sa kamatayan,” aniya.
Dagdag pa niya, “Saludo po ako sa talino ng mga UP Students, walang duda dun. Pero sa mga thangang estudyante na nagpaniwala at nagpa uto na sumama sa bundok at lumalaban sa gobyerno at kung minsan pa nga ay gumagawa ng dahas sa mga sibilyan e napaka demoño nila.”
“Ate Tuesday Vargas pag laos na, mag vlogger nalang. Tulad ng ginagawa ng ibang artista,” batikos ng content creator.
Matapos nito, sinagot din naman ni Tuesday ang atake ng content creator at sinabi niyang hindi raw siya bababa sa lebel ni Sir Jack.
“Your whole following is based on rage bait. Hindi ako bababa sa level mo. Mapagod ka kaka sabi ng laos. Tutal yan ang huli nyong baraha, ang mamahiya,” sabat ni Tuesday.
MAKI-BALITA: Sinetch itey? Tuesday Vargas, tinalakan lalaking nagsabing 'NPA' daw mga taga-UP
Mc Vincent Mirabuna/Balita