Usap-usapan ang tila namumuong ugnayan sa pagitan nina basketball player Ricci Rivero at fencing star Juliana Gomez.
Sa TikTok post ni “applevillegas” kamakailan, mapapanood ang kuhang video kung saan naispatang magkasama umano ang dalawa sa isang mall habang naglalakad nang magkahawak kamay.
“Juliana Gomez and Ricci Rivero spotted holding hands while walking,” saad sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"ung inaaway pa ni Leren c Blythe na kala nya xa magiging forever "
"Ano ba meron kay Ricci"
"si juliana gomez talaga ang nagpapatunay ng love is blind,saka kababaang loob."
"pagod na siguro Maglaba si Leren."
"Juliannnaaaa ang taas ng standards ng Nanay mo ano baaaaa."
"Yung Nanay niya si Lucy Torres at Tatay niya si Richard Gomez tapos mapupunta lang siya sa maacm na si Ricci Rivero "
"Yung iningatan mo ng matagal yung anak mo tapos sa isang Ricci Rivero lang babagsak? "
"Juliana para kang c Kathryn I don't judge you guys pero ang ganda nyo at mayaman why settle for less huhu."
"Wala na sila Leren Bautista?"
Matatandaaang Setyembre 25 pa nang lumutang ang espekulasyon na hiwalay na si Ricci sa beauty queen na si Leren Bautista.
Ito ay matapos mapansin ng netizens na wala nang recent picture ang dalawa nang magkasama bagama’t wala pa naman silang kinukumpirma o itinatanggi.
Maki-Balita: Ricci Rivero, Leren Bautista hiwalay na nga ba?