January 24, 2026

Home BALITA Metro

Debotong wanted sa pagnanakaw, naaresto sa kasagsagan ng Traslacion

Debotong wanted sa pagnanakaw, naaresto sa kasagsagan ng Traslacion
MPD

Nakasuot ng t-shirt ng itim na Poong Nazareno at nakayapak pa ang isang deboto nang dakpin ng mga awtoridad sa kasagsagan ng Traslacion 2026 sa Quiapo, Manila nitong Biyernes, Enero 9.

Nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang suspek na kinilalang si alyas ‘Neil,’ 24, residente ng Pasay City, dahil sa kasong pagnanakaw.

Lumilitaw sa ulat ng Manila Police District (MPD) - Sta. Cruz Police Station (PS-3) na dakong ala-1:00 ng hapon nang arestuhin ng mga operatiba ng Warrant and Intelligence ng MPD PS-3, ang suspek sa Villalobos St., tapat ng Quiapo Church, sa kasagsagan mismo ng pagdaraos ng Traslacion.

Nakatanggap umano ng tip ang mga pulis na matatagpuan sa lugar ang suspek kaya’t kaagad itong tinarget sa operasyon.

Metro

Kinasuhang sekyu dahil sa paghagis ng tuta sa footbridge, hinatulang guilty!

Kaagad namang naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong theft, na inisyu ni Hon. Hose Cordero Jr., presiding judge ng Manila Metropolitan Trial Court (MeTC) Branch 11, noong Nobyembre 18, 2025.

Nasa P10,000 ang itinakdang piyansa ng hukuman para sa pansamantalang paglaya ng suspek.