Isang mensahe ang ibinahagi ni Balanga, Bataan Bishop Rufino Sescon Jr. sa kaniyang homiliya sa Misa Mayor patungkol sa mga taong ayaw bumaba sa puwesto kahit mali na raw ang ginagawa at bistado na.
"Mga kapatid, matuto tayo kay Hesus Nazareno na bumaba nang kusa alang-alang sa pag-ibig," paunang sabi ni Sescon.
"Sa ating bayan ngayon, may mga ayaw bumaba kahit mali na at bistado na. Ayaw bumaba kahit pahirap na sa bayan. Ayaw bumaba kahit nagdurusa na ang mahihirap. Ayaw bumaba kahit binabaha na at nasisira na ang bayan. Ayaw bumaba kahit hindi karapat-dapat," dagdag pa niya.
"Tumigil na. Tama na! Maawa na kayo sa taumbayan! Mahiya naman kayo. Bumaba na nang kusa alang-alang sa awa at pag-ibig."
Ang tema ng Traslacion 2026 ay “Dapat Siyang Tumaas at ako Nama’y Bumaba.”
Kasalukuyan pa ring nagaganap ang pagprusisyon ng Andas ng Poong Hesus Nazareno sa Maynila patungong Quiapo Church.
Kaugnay na Balita: Traslacion 2026, nagsimula na; mas maaga kumpara noong 2025
Kaugnay na Balita: Traslacion 2026, pinakamaagang nagsimula sa loob ng 1 dekada