January 24, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anak ni Anjo Yllana, humingi ng dispensa sa tirada ng ama sa ‘Eat Bulaga’

Anak ni Anjo Yllana, humingi ng dispensa sa tirada ng ama sa ‘Eat Bulaga’
Photo Courtesy: Viva One PH (IG), TVJ (FB), Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Humingi ng paumanhin ang anak ng komedyanteng si Anjo Yllana na si Jaime Yllana sa mga binitawang salita ng ama niya laban sa “Eat Bulaga” at ilang hosts nito.

Sa media conference ng “My Husband Is A Mafia Boss” noong Huwebes, Enero 8, inusisa ng entertainment press kay Jaime ang tungkol dito.

“‘Yong tatay ko kasi, at the end of the day, he’s my dad. Sa bahay, tatay ko talaga siya, so nakikita ko talaga ‘yong pinagdadaanan niya,” paliwanag ni Jaime.

Dagdag pa niya, “Alam ko naman, pasensiya po sa lahat, na may nagagawa siyang mali at naiintindihan ko naman na gano’on talaga."

Tsika at Intriga

'Easy target si Bong Revilla kasi walang posisyon ngayon!'—Suzette Doctolero

Ngunit hindi naman daw nakalimot si Jaime na payuhan ang ama lalo pa’t parang magkapatid at magkaibigan ang turingan nila sa isa’t isa.

“Sinasabi ko lang sa kaniya na, ‘Alam mo minsan sa buhay, kailangan i-keep private.' Like siyempre, artista tayo or in the spotlight, but some things need to be in private,” anang binatang aktor.

Matatandaang inakusahan ni Anjo sa isang video na may kabit umano si Senate President  Tito Sotto noon pang 2013.

KAUGNAY NA BALITA: 'Laglagan na!' Netizens naintriga kay Anjo dahil sa umano'y kabit ni Titosen noon pang 2013

Bukod dito, tinawag niya ring ahas ang isa pang “Eat Bulaga” co-host na si Jose Manalo.

MAKI-BALITA: 'Pinakamasamang ugali sa EB?' Anjo Yllana tinawag na 'ahas' si Jose Manalo

Pero dinedma na lang ni SP Sotto ang aniya’y pagpapapansin ni Anjo matapos matanong hinggil dito. 

“Huwag n’yong pansinin at nagpapapansin ‘yan. Pati ba naman showbiz at paninira papatulan natin. Itaas natin ang level ng Senate press,” anang Senate President.