January 09, 2026

Home BALITA National

VP Sara, bumisita sa benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta ‘Day Program ng OVP sa Albay

VP Sara, bumisita sa benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta ‘Day Program ng OVP sa Albay
Photo courtesy: VP Sara Duterte (FB)

Binalikan ni Vice President Sara Duterte ang naging personal na pagbisita niya sa religious shop ng nagngangalang Aling Rosana sa Albay

Ayon sa mga ibinahaging larawan ni VP Sara sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Enero 8, makikita ang pakikipagkita at pag-aabot niya ng sertipiko ng pagbibigay ng halagang ₱15,000 kay Aling Rosana bilang benepisyaryo ng programang “Mag Negosyo Ta ‘Day” ng Office of the Vice President. 

“Bilang pagsuporta sa mga benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta ‘Day Program, personal nating binisita ang ilan sa kanila upang kamustahin ang kanilang mga napiling pangkabuhayan,” mababasa sa simula ng kaniyang caption. 

Photo courtesy: VP Sara Duterte (FB)

Photo courtesy: VP Sara Duterte (FB) 

National

PBBM, bumida sa paglulunsad ng Project AGAP.AI sa QC

Ani VP Sara, personal umano niyang pinuntahan ang tindahan ni Aling Rosana upang tingnan ang kalagayan ng negosyo nito sa Sto. Cristo, Daraga, Albay. 

“Tinungo natin ang religious shop ni Aling Rosana sa labas ng simbahan ng Sto. Cristo sa Daraga, Albay noong Setyembre upang tingnan ang kalagayan ng negosyong nais ng ating kababayan,” aniya. 

Pagpapatulog ni VP Sara, kinumusta at nakipagkuwentuhan lang siya kay Aling Rosana kung paano raw nakatulong dito ang programa ng OVP. 

“Nagtitinda siya ng iba’t ibang religious articles at accessories upang makatulong sa pagtataguyod ng kanyang pamilya. Kinamusta natin sya at nakipagkwentuhan kung paano nakatulong ang programa sa kaniyang kabuhayan,” pagbabahagi niya. 

“Ang simbahan ng Sto. Cristo ay dinadayo sa kanilang barangay ng mga deboto mula sa iba’t ibang lugar sa Bicol kaya angkop dito ang napili niyang pangkabuhayan,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Walang basehan!' Solon, itinangging may parte sa 2026 nat'l budget ang impeachment para kay VP Sara

MAKI-BALITA: Pasabog ni Sen. Imee: Bagong impeachment case kontra kay VP Sara, ikakasa sa Feb. 6!

Mc Vincent Mirabuna/Balita